Wakasan ang Kahirapan - Daan Tungo sa Kapayapaan
.Wakasan ang Kahirapan - Daan Tungo sa Kapayapaan
Gusto mo bang matapos na ang matinding kahirapang dinaranas ng marami sa buong mundo?
Gusto mo ba ng mapayapang mundo na kung saan ang dignidad at ang mga Karapatang Pantao ay iginagalang?
Gusto mo bang makiisa sa lahat ng tao na dumaranas ng kahirapan upang sila ay magkaroon ng partisipasyon sa lipunan.
Sa palagay mo ba, dabat bang mas tuunan ng pansin ang Pandaigdigang Araw upang Sugpuin ang Kahirapan?
Kung ang mga kasagutan mo ay OO, maaari kang kumilos sa pamamagitan ng pagpirma sa panawagang ito.
Ang Panawagang-Pagkilos na ito ay sama-samang sinulat ng isang grupo mula sa apat na panig ng mundo. Kinabibilangan ito ng mga taong mahihirap, mga opisyal ng gobyerno, mga kinatawan ng United Nations, mga organisasyon ng Karapatang Pantao, mga NGO, union ng mga manggagawa at indibidwal na mamamayan na nagsisikap na makamit ang kapayapaan at katarungan sa pamamagitan ng pagsugpo sa kahirapan.
Ang panawagan ay sinimulan noong October 17, 2006, ang Pandaidigang Araw upang Sugpuin ang kahirapan na ideneklara ng United Nations. Layunin nito na makalikom ng ISANG MILYONG LAGDA mula SA ISANG DAANG BANSA bago sumapit ang petsa ng October 17, 2007, araw na kung saan ihaharap ang panawagang ito sa United Nations.
Libo-libo na ang mga taong tumugon sa Panawagang-Pagkilos at maaari kang makiisa sa kanila sa pamamagitan ng pagpirma sa panawagang ito.
Di maatim ng marami ang kalagayan ng napakaraming tao na dumaranas ng kagutuman, kamangmangan at karahasan sa buong mundo: bagamat sila’y galit, ganunpaman, marami pa rin ang nananatiling walang kibo: Bakit pa ako magsasalita? Mayroon bang makikinig sa mga sasabihin ko?
Narito kami at nagmamalasakit at alam namin na kayo rin.
ATD (All Together in Dignity) Fourth World Philippines
Ang tanggapan ng panawagang ito ay:
ATD Fourth World Phils.
1231 Labores corner Victorino Sts.
Pandacan, Manila 1011
Tel. and Fax number: 563 93 12
Email: atdmnl( a t )skyinet( d o t )net
Website: www.atd-fourthworld.org









